Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntryMga Tula, Kuro, Pahayag, at PabatidSep 21, 2011
.
HomeKredo ng Kilometer 64Nov 10, 2007
Tuwing mapag-uusapan ang tula, mahirap na hindi magunita ang ngayo’y maalamat nang pangungusap mula sa makatang Ingles na si Percy Bysshe Shelley: “Ang makata ay siyang di-kinikilalang mambabatas ng daigdig.”

At bakit naman hindi magkakagayon? Ang tula, sa taas ng kapangyarihan nito, ay nakalilikha ng matibay na bantayog mula sa abo at, sa kabilang dako naman, nailalantad ang kastilyong buhanging nagpapanggap na marmol. Kaya’t nakatalagang gumanap ng mahalagang papel sa kasaysayan ang makata. Nasa kanyang mga taludtod ang isang sandatang may mataas na kakayahang dumurog sa pader ng kabulaanan.

Taong 1992 nang unang ibandila ng noo’y Pangulong Fidel V. Ramos ang kanyang Philippines 2000, na aniya’y siyang eroplanong magdadala sa bansa sa pinakamataas na ulap ng kaunlaran. Bilang bahagi ng programang ito, isa niyang kaalyado – ang noo’y Sen. Gloria Macapagal-Arroyo – ang noong 1994 ay namuno sa pagraratipika ng Senado sa General Agreement on Tariffs and Trade (GATT), na nang sumunod na taon ay siyang naging batayan ng pagpasok ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO). Tampok sa mga programa ng WTO ang pagsusulong ng mga patakaran ng liberalisasyon at deregulasyon sa ekonomiya, at pribatisasyon ng mga serbisyo sa sektor publiko. Ang mga patakarang ito, ayon sa Kambal ng Bretton Woods – ang International Monetary Fund (IMF) at ang World Bank (WB) – ang mga gamot sa malawakang kawalang-kaunlaran at kahirapan sa ating bansa at sa iba pang bansa ng Ikatlong Daigdig.

Mahigit sa isang dekada mula noong 1992, nananatiling malatuberkulosis na mga sakit ng Pilipinas ang laganap na kawalang-kaunlaran at kahirapan, at mga utak-uod na lamang ang mangangahas na magsabing ang pangkalahatang kalagaya’y hindi tuluy-tuloy na sumasama kaysa rati. Na dapat lang namang asahang mangyari, sapagkat ang mga patakarang ipinataw ng WTO sa ating bansa ay wala namang pakay na baguhin ang balangkas ng isang lipunang malaon nang pumapasan sa bigat ng isang kolonyal na hulma ng ekonomiya, pulitika at kultura; kawalan ng katarungang panlipunan, at kalat na katiwalian sa lingkurang-bayan.

Nananatili kung gayon ang mga sakit ng lipunang Pilipino na noon pa ma’y hinahagkis na ng mga dakilang makata ng ating bansa, magmula kay Francisco Balagtas (1788-1862) hanggang kay Andres Bonifacio (1863-1897), magmula kay Amado Hernandez (1903-1970) hanggang kay Romulo Sandoval (1950-1997). Kinakailangan ang pagpapatuloy ng panulaang kanilang nilikha at isinulong.

Minsa’y nawika ng bantog na makata ng protesta na si Gelacio Guillermo ang ganito: “Noon lang ikalawang bahagi ng dekada sisenta natutunang itanong ng mga makata sa sarili sa paraang publiko: Ano ang silbi? Sino ang pagsisilbihan? Paano? Mainam ngayong ulitin ang tanong.”

Sa aming mga makata ng Kilometer 64, malinaw na ang sagot. Ang tulang Pilipino’y nararapat na ilaan, una sa lahat, sa sambayanang Pilipino. Hindi biro ang magiging kapakinabangan nito sa ating pagtitindig ng kasarinlan, kalayaan, katarungan, mabuting pamamahala, at tunay na demokrasya sa ating bansa.
.
GroupsMga Grupong Kinabibilangan
artistsarrest
artistsarrest

.
Photo AlbumMga LitratoAug 3, 2009

REKOBERI
1 Photo

Bigkas Pilipinas
18 Photos, 1 comment

Art for Oust's Sake, 3-24-08
15 Photos, 4 comments

Limang Bagsak, 3-11-08
9 Photos

   View All
..
MusicMga Mapakikinggan Habang BumibiyaheNov 13, 2007
Dalawang kanta mula sa Karapatang Pantao, album na inilabas ni Ed Formoso sa pakikipagtulungan sa Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP) at Dyna Products, Inc. noong 1989
Previous playlists:
Nov 13-Made for Japan
   View All
.
VideoMga Palabas sa SasakyanAug 9, 2011
.
NotePirma Po Tayo
   
recci wrote on Jun 1, '10
Rezureccion Art Project
In partnership with
Outer Space Gallery
Presents

“REBUKE”

Opening on
June 4, 2010 (Friday)
8:00 PM – 12:00 AM

Outer Space Gallery
The Collective, 7274
Malugay Street, Suite B,
San Antonio Village, Makati City


Featuring the works of AJ Omandac, AJ Tuviera Tolentino, Ambie Abano, Bobby Balingit, Buds Convocar, Con Cabrera, Heber Bartolome, Irish Flores, J.Pacena II, Jet Bernal, Katrina Dayrit, Kin Misa, Loren Marquez, Marius Black, Mica Cabildo, Mike Andaya, Niel Marcelino, Niño Hernandez, Noel Pocot, Raul M. Roco Jr, Rayan Ladyong, Recci Bacolor, Rhea Consorio, Salvador Ching, Sarah Geneblazo, Stella Kim, Tanya Escaler, Tomas Leonor, Xander Calceta, Zeus Bascon


Exhibit runs until June 18, 2010
Curated by Recci Bacolor


http://www.facebook.com/?ref=home#!/pages/OuterSpace-Gallery/307048666868?v=info&ref=ts

http://zipzessionz.blogspot.com/2010/05/rebuke-art-exhibit.html
tiyangkas wrote on Mar 29, '09
mark grantos
recci wrote on Mar 24, '09
RESURECCION (resurrection)



opening on March 28, 2009

Saturday. 6:00PM.


My Little Art Place

222 Wilson St. Greenhills, San Juan





Benjie Torrado Cabrera

Bunch Garcia

Carlo Claudio

Con Cabrera

Convocar

Felix Bacolor

Ingrid Almazan

James Ben

J.Pacena II

Loren Marquez

Mike Andaya

Niña Theresa Parreño

Niño Hernandez

Nityalila Saulo

Noel P. Tan

Patrick "Kinigtot" Bacolor

Recci Bacolor

Rhea Cathrina Consorio

Shaira Luna

Tanya Escaler

Tootoots Leyesa

Xander Calceta

Zeus Bascon



curated by Recci Bacolor

exhibit runs until April 15, 2009



phone: 409.4122

email: mylittleartplace@gmail.com

http://mylittleartplace.multiply.com/
evyouth wrote on Aug 15, '08
August 15, 2008

Kaupod,

Matinalwason nga Pagpadangat!

The Bagong Alyansang Makabayan – Eastern Visayas and all its affiliated organizations, through the Eastern Visayas Youth Council, would like to request from multimedia organizations/practitioners like you copies of documentary films and other media clips exposing and expounding on relevant issues. Documentaries and media clips of BAYAN-EV were lost during the most turbulent times in the region, thus, seeking the help of friends like you to rebuild a media library in Eastern Visayas. Said library will be utilized by BAYAN-EV in all of its campaigns and programs.

To extend your support and other inquiries, please contact the Lead Convenor of Eastern Visayas Youth Council through Mobile Phone Numbers 09298585436 and Email Address ev_youth@yahoo.com

Thank you very much.


EVYC Regional Liaison Officer (OIC)
perkypearl wrote on May 1, '08
apir!
hannahbunch wrote on Apr 2, '08
AYOS
kapemuna wrote on Mar 12, '08
paging alex... post naman kayo ng photos ng limang bagsak.
bulongevents wrote on Jan 16, '08
nowell1980 wrote on Dec 8, '07
Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala ang ating blogsite na isa ay hindi lumalabas nang maayos ay dahil hindi niya kasundo ang firefox. hahaha! may ilan akong mga tulang ipadadala ulit dito. abangan! weheheh!
kilometer64 wrote on Dec 4, '07
Hi Chris! Walang problema, at sana'y makita ka nga namin sa mga susunod na poetry reading. Abangan mo lang ang mga announcement. :)
crosspoint wrote on Dec 4, '07
nais kong makapunta sa mga susunod na poetry reading. sana ay maaaring bumisita
jefishfish wrote on Nov 14, '07
isa sa mga grupong matatapang!
kilometer64 wrote on Nov 12, '07
Hi Joel,

Ayos lang tayo! Salamat sa pagbisita sa bagong site na ito. Imbitado ka sa susunod na poetry reading, at sana'y makapagtanghal ka.

Para sa Kilometer 64,
Alex
iltabenla wrote on Nov 12, '07
Alex,
Kumusta na? Pipilitin komg makadalo sa susunod.

Joel Malabanan
.
..
.