Mga Tula, Kuro, Pahayag, at Pabatid | |
 Ang KM64 ay magiging bahagi na ng Pinoy Weekly simula ngayong Setyembre. Maraming salamat sa bumubuo ng PW sa pagbibigay ng espasyo sa aming mga tula. Himno Ng Apoy Sa Gubat Ng Dilim
CAMBA RAFAL MONTALBAN
Cover and illustration inside by Emil Yap Introduction by Rogelio Ordóñez P220 lang
Launch is on the 13th of July sa PUP.
For more details, ABANGAN. Sa pinakahuling mga pag-aaral, sinasabing ang memory ng isang goldfish ay umaabot lamang sa tatlong buwan. Ang lahat ng mangyayari pagkatapos ng tatlong buwan ay magiging panibagong mga alaala.
Clean slate. Goldfish ka ba? Siyempre, hindi. Pero sa panahon ngayon na nagiging malilimutin ang mga tao sa paligid, nararapat lang na may tumindig para ipaalala ang mga nangyari para tuluyang huwag mabaon sa limot at lumot. Sa okasyon ng ika-isandaang araw ni Noynoy Aquino sa pagka-pangulo ng Pinas, naghahamon ang mga nalimutang mga pangyayari. Naghahamon ang mga bagay na hindi nagawa, naghahamon ang mga binalewala. Naghahamon at nanghahawak ng tenga. Papalag ka ba? Samahan ninyo kaming ipaalala hindi lamang kay Noynoy Aquino ang mga isyung nangyari sa nagdaang tatlong buwan na aksidenteng nakalimutan o deliberately na kinalimutan. Mag-ambag sa TULAGALAG: 100 Itatampok natin sa pamamagitan ng mga tula ang mga bagay at issue na malamang ay hindi mabanggit ni Noynoy sa kanyang pagrereport sa sambayanan. Target natin na mapalahok ang isandaang makata at manunulat sa proyektong ito. Isend lang ang ang ambag sa kilometer64@gmail.com bago matapos ang Setyembre. Ang mga tula ay i-eexhibit sa mismong araw na tatayo sa pulpito si Noynoy Aquino, kakausapin ang sambayanan, sisihin si GMA, hihingi ng dagdag na panahon dahil kulang ang isandaang araw para sa magarbo niyang agenda at sa kanyang muling panghihikayat na tumungo sa Daang Matuwid. ps: habang sinusulat ang note na ito, pinapalabas ang video ni Noynoy na kumakain ng hotdog. Madaming pangarap si Alex.
Maliban sa isang lipunang malaya, hindi natin alam kung kasama sa pangarap na ito ang maipublish ang kanyang solong libro. Ganito kasi si Alex, sekondaryo yung pansarili. Hindi kagaya ng ilang makata na kinarir na nang husto ang pagtula. Si Alex iba. Mas una ang pagmumulat. Pangarap man o hindi ni Alex ang solong libro, deserve naman siguro niya na matupad ito. Tulong-tulong tayo. Fundraising para sa UNANG libro ni ALEX REMOLLINO, Fuel Up Bar SEPT 16 [thursday] 7pm Onwards Tickets @ 100 php *special tickets for a fundraising art raffle @ 500 php ---- location map link: http://www.facebook.com/profile.php?id=100000870835903#!/photo.php?pid=61965&id=100000870835903&ref=fbx_album Alexander Martin RemollinoAko, si Noynoy Aquino, na lubusang nakatitiyak na ang mandatong nakuha ko sa huling eleksiyon ay patunay na umaasa pa rin ang Pilipino sa pagbabago, ay nagdedeklara ngayon na ito ang daang tatahakin natin tungo sa pagbabago: Boom tarat tarat Boom tarat tarat Sasara ang bulaklak Bubuka ang bulaklak Dadaan ang reyna Ang saya-saya Boom-tiyaya Boom-tiyaya Boom-yeye Tiyaya Tiyaya Tiyaya-boom Yeye-boom Yeye-boom Spageting pataas, pataas nang pataas Spageting pababa, pababa nang pababa Spageting pataas, pababa at pataas Spageting pababa, pataas at pababa The quick brown fox jumped Over the lazy dog In the stream Over the lazy dog In the stream The quick brown fox Jumped Monkey, monkey, Anabel How many the monkey Did you see? Tararat Tararat Boom boom boom Ito, mga minamahal kong kababayan ang daang tatahakin natin tungo sa pagbabago. Maraming salamat po. Alexander Martin Remollino(kina Atty. Edwin Lacierda, Atty. Ignacio Bunye, Atty. Fernando Barrican, at iba pang nagsilbi bilang presidential spokesperson) Iba nga ang siyang nagkalat ng putik; pero pagkatapos, ikaw ang naglinis! Alexander Martin RemollinoAt kanyang tinapos "ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan." Pero, wala siyang sinabing ang mga daing ay hahayaan niyang dumapo sa kanyang mga tainga: ang tangi niyang sinabi ay hindi siya magiging manhid sa mga ito. Kaya't habang nagtatalumpati siya sa Batasang Pambansa, ang mga raliyista ay dapat makuntentong kausapin ang mga sarili sa Quezon Memorial Circle. Alexander Martin RemollinoAt isang krimen na pala ang magkampo sa harap ng isang "arko ng kapayapaan" upang hingin ang talagang sa iyo. Sana, bago padapuin sa kanila ang inyong mga pamalo ay naisip muna ninyo na ang mga katawang "humarang" sa Mendiola ay hindi lang mga tagapaghatid ng pagkain sa inyong mga hapag: kabilang din sila sa mga bumibili ng pampaaralang mga gamit ng inyong mga anak, ng mga pulseras at kuwintas ng inyong mga asawa't kabit; ng inyong mga uniporme, medyas, at kalsunsilyo. Sana, naisip ninyo ang lahat nito bago ituring na mga kriminal at padapuan sa inyong mga pamalo ang mga katawang "humarang" sa Mendiola upang hingin ang talagang sa kanila. Itinatak mo na sa iyong noo ang mga katagang "kayo ang aking lakas." Kaya't utang mo sa mga mamamayan ang di-pagbigo sa pag-asa ng marami na magsasalin ka ng lakas sa bayang kaylaon nang nakaratay, at hindi mo sisipsipin ang kanilang lakas.  Poetry exhibition ng mga nakalap na tula sa mahigit ilang linggong proyektong Tulagalag. Makikita at mababasa ito- una, sa Mendiola, kasabay ng vigil ng mga taga Hacienda Luisita sa june 30. Tapos, maglalagalag papuntang Kalye junkshop gallery. Kung saan magkakaroon din ng konting tulaan, tugtugan at kwentuhan kung kaninong gown sa Aquino sisters ang pinaka-bongga. Alexander Martin Remollino(kay Dr. Jose Rizal -- bayani, manggagamot at manunulat) Nang itaas mo ang bahagi ng belong nagtatakip sa mga kanser nitong lipunan, hinubdan mo rin ng dangal ang walang-dangal na mga prayle't opisyal ng gobyerno at ang mga alipures nila. Napaso sila sa pagkakabilad sa araw, kaya ibinuwal ka sa Bagumbayan. Ang akala nila, sa pagbagsak ng iyong bangkay sa lupa ay muli ring maibababa ang nakaangat nang bahagi ng belo, ngunit hindi -- nanatiling nakalantad ang mga kanser sa sinumang nagnanais na magmungkahi ng lunas -- kundi man magbusbos. You let your science flourish where no one splits atoms to send cities back to the Stone Age. Always you were in search of solutions to the problem of how humankind can become human. You did not want to spend your life "figuring out how to kill people." Your place in the hall of heroes is certain, as certain as quarks exist. Franco Romeroso*
Nasaan ka sa 3 buwan? Bakit ang hirap mong kamtin? Sadya bang ipinagkait Kalayaan na kaytamis?
Nasaan ka sa 3,160 oras Na kaybilis na lumipas? Anino'y di nasilayan Pilit na tinatakpan
Bakit aming kalayaan At karapatang pantao Paboritong yurakan? Dahil ba kami'y tulisan?
Isang daan at walumpu't Siyam na libong minuto Na kaybilis na lumipas Laging hawak ay ang rehas
Ilang daan pang mga buwan Ilang libo pang minuto Ang hihintaying lumipas Bago kita makatalik?
Ilang daang libong tibok Ng puso kong sabik sa 'yo Ang dapat kong malampasan Para ika'y masilayan?
Ilang milyon na segundo Ang aking palilipasin Upang aking makilala Man lang ang iyong anino?
Kalayaan! Kalayaan! Bakit di mo kami pinapansin? Ikaw na siyang kaytamis Bawat isa'y nagnanais
Ika'y sadyang 'pinagkait Sa tulad naming nagpilit Maglingkod sa sambayanan Sa dukha, at maliliit
Nagdurusa man ngayon Dahil hindi ka kapiling Ito ay handang tiisin Alam kong ika'y darating
Mapait mang naranasan Nakahanda kong tanggapin At kung may humaharang man Sa nakatakdang pagdating
Sambayanan ang bubuwag Tanikala'y lalagutin Kalayaan na kaytamis Tiyak natin na kakamtin!
*Si Franco "Pangcoy" Romeroso ay isa sa tinaguriang "Morong 43," mga manggagawang pangkalusugan sa komunidad na dinakip ng militar at pulisya sa Morong, Rizal noong Pebrero 6 habang nagsasagawa ng pagsasanay. Pinaratangan silang mga kasapi ng New People's Army (NPA) na nag-aaral na gumawa ng mga bomba. Sila'y nahaharap sa mga kasong illegal possession of firearms, illegal possession of explosives, at paglabag sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec) noong panahon ng kampanyang panghalalan. May ilang buwan silang ikinulong sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal bago ilipat sa Camp Bagong Diwa sa Taguig. Franco Romeroso*
Sa bawat araw na lumipas Hindi maiwasang tumanaw sa labas ng rehas Manood sa masasayang ibong maya Katumbas ng ngiti at ligaya
Ngingiti ka sa kanila dahil sila'y malaya Iisiping sana'y naging ibon kaya Na sa kalangitan ay malayang nakalilipad Naghahakot ng dahong panggawa ng pugad
Ngingiti ka sa kanila at mag-iisip Paano sila nabubuhay at pa'no sinasagip Ang kanilang buhay at kalayaan Sa mundong puno ng hirap at pasakit?
Bigla mong maaalala ang iyong katayuan Sa likod ng mga rehas at malamig na bakal Titingin sa kaliwa't kanan na kasamahan Ngingiti sa kanila at makikipagkuwentuhan
Kuya, Ate, kanin, ulam, extra rice Guwardiyang dumating, agad ngingitian Hihingi ng tubig na mainit Upang magkape at sikmura'y mainitan
Good morning, boys!!! sigaw ng kababaihan Pahiram ng bola!!! sagt ng kalalakihan Lahat ay nakangiti: oras ng painitan Pagbalik sa selda, ngiti ay naparam
Muling papanoorin ang kaibigang langgam Pasan-pasan ang mumo, nalaglag sa platong hiram Pila-pila sa paglalakad tungo sa isang direksiyon Biglang guguluhin ang pormasyon at biglang ngingiti sa naging atraksiyon.
Librong binabasa, babasahin nang ilang ulit Kapag nauta na at nainip Tatawagin ang katabi, ngingiti nang matamis Yosi ang kapalit, 11 minuto sa buhay ay nawaglit.
Tatay, Kuya, Ate...kanin, ulam, extra rice Guwardiyang dumarating, minsan ay sinusungitan Ayaw kumuha ng masarap na ulam Dahil pampa-highblood, sa sustansiya'y kulang
Mga ngiti ay biglang makikita sa mga mata Kapag tinawag ang numero ng may bisita Walang pagsidlan ang kaligayahang makita Ang naghihintay at mahal na pamilya
Mga ngiti at kitang-kita kapag kausap sila May dalang pasalubong at mga balita Kumusta dito, kumusta doon, laging masigla Yakap dito, yakap doon, ngiti hanggang tainga
Last 5 minutes!!! sigaw ng guwardiya Ang bilis naman... angal ng mga pamilya Mga ngiti ay biglang nawawala Napapalitan ng lungkot pagbalik sa selda
Dala-dalang pagkain, 'pamimigay sa ibang kasama Mga walang dalaw; dulot ay ligaya Biglang ngingiti at magpapasalamat Sa kasamang nagpadala at nakaalala
Maghapon na naman ang kaydaling lumipas Naghahabulang butiki ang pampalipas-oras Habang nakahiga, nakangiti nang maaliwalas Masayang alaala ng nakalipas sa isip ay nagbabalikwas
Sa isip ay nagtatanong, ano'ng kasasapitan Sa likod ng mga rehas na bakal? Paano na ang mga masang pinaglilingkuran, Ang mga maysakit at mga gawaing naiwan?
Labanan ang inip at maging matatag Sakripisyo't kahirapan ay laging tanggap Mapait, mahapdi, mahirap at matamis na ngiti Tanong sa isip ay nasagot sa likod ng mga ngiti
*Si Franco "Pangcoy" Romeroso ay isa sa tinaguriang "Morong 43," mga manggagawang pangkalusugan sa komunidad na dinakip ng militar at pulisya sa Morong, Rizal noong Pebrero 6 habang nagsasagawa ng pagsasanay. Pinaratangan silang mga kasapi ng New People's Army (NPA) na nag-aaral na gumawa ng mga bomba. Sila'y nahaharap sa mga kasong illegal possession of firearms, illegal possession of explosives, at paglabag sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec) noong panahon ng kampanyang panghalalan. May ilang buwan silang ikinulong sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal bago ilipat sa Camp Bagong Diwa sa Taguig. Alexander Martin RemollinoHow many mouths can P10 million feed in a single sitting? Up to 250,000 or so. But they fed it all to the dustbins and toilets as they pompously paraded floats featuring feats as real as the claims in the State of the Nation Addresses of 2001-2009.
| |