Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntryDec 10, '08 7:20 PM
for everyone
Alexander Martin Remollino

Hindi na lamang ako tutula
kung ang ipatutula lamang ninyo sa akin
ay tungkol sa pagsasalubong ng mga titi at puki,
o tungkol sa tamis ng unang pagdadaupang-labi.
Hindi lang iyan ang katula-tula,
marami pa ang higit na katula-tula --
lalo na sa mga panahong ito
ng pamamayagpag ng mga kuto't lintang
nagbabalatkayo bilang mararangal na tao.
At ayaw kong itong aking panulat
ay maging isang baril na walang bala,
kaya't hindi na lamang ako tutula
kung ang ipatutula lamang ninyo sa akin
ay tungkol sa pagsasalubong ng mga titi at puki,
o tungkol sa tamis ng unang pagdadaupang-labi.

skandalus wrote on Dec 11, '08
hanep to! klap! klap! klap!
amnerak wrote on Dec 18, '08
cge na nga...hehehe..=)
andresvon wrote on Jan 1, '09
maawa ka naman sa mga sa mga "romantic kuno" at mga mahilig sa "Lit erotica kuno"....hahaha nwaz, luv it...astig!
zoink0000 wrote on Mar 17, '09
astig
Add a Comment